Usap Tayo!

Dionne Monsanto may patama sa mga artistang pasweet sa harap ng kamara pero kontrabida sa totoong buhay

Palaban talaga itong si Madam Lucy!

Naging usap-usapan ang naging pahayag kamakailan ng Ex-PBB housemate na si Dionne Monsanto.

Tungkol sa mga artistang pa-sweet kuno sa harap ng kamara pero kontrabida naman sa totoong buhay. Medyo tagilid daw ang mga ganitong role ayon kay Dionne.

Saad nito sa kanyang Tweet, “Pansin ko lang, yung mga maldita/masama sa TV/films, okay in real life. Pero karamihan sa mga binuild up na pacute at paawa, in real life parang mej tagilid ano po”

Agad naman humakot ng maraming reaksyon ang tweet na ito ng aktres. Isa nga sa agad nagbigay ng komento ay si Ina Feleo.

Ani Ina na kilala din bilang isa sa ga mahuhusay na kontrabida, “Apir!, true sweet gurl tayo.” Sagot naman dito ni Dionne, “Alam na alam natin to, Ina.”

Isa din na nakilala sa kanyang mga kontrabida roles na si Desiree del Valle ang nag-react sa post ni Dionne.

Saad nito na kitang kita ang pagsang ayon, “True!!! Soooo True!!”

Maraming netizens din ang pabor sa naging pahayag ni Dionne. May ilan pangang nagtanong kung sino ba ang pinapatamaan ng aktres.

At may isa ding netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa isang artista. Ayon naman kay Dionne ay kilala niya ang tinutukoy nito.

“I know this girl! Arte gyud bitaw na siya(maarte naman talaga sya). Sweeeeet kaayo sa TV pero in person sus intawn,” saad ng aktres.

Tumatak sa publiko ang naging role noon ni Dionne bilang kontrabida na si Madam Lucy. At ayon sa mga netizens ay kasalungat ito sa tunay na ugali ng aktres.

 


Comments