Usap Tayo!

Matteo Guidicelli, Nagpahiwatig nga ba na Buntis na ang Misis na si Sarah Geronimo?

Buntis na nga ba si Sarah Geronimo? Ito ang tanong na bumabagabag sa mga fans sa social media. Magmula ng ikasal ang ‘Popstar Royalty’ sa kanyang long-time boyfriend na si Matteo Guidicelli noong February 2020, marami ang nakaabang kung ready na nga bang magsimula ng kanilang pamilya a

 

Ilang buwan matapos ang kanilang secret wedding ay pumutok rin ang bali-balitang nagdadalang-tao si Sarah. Ayon sa mga kontrobersya, di umano’y minadali ang kasalan dahil buntis na ang singer.

Agad naman itong pinabulaanan ng mag-asawa, at si Matteo na mismo ang nagsabi na nais muna nilang ma-enjoy ang isa’t-isa.

Sa kanyang virtual press conference noong nakaraang taon, nilinaw ni Matteo na hindi pa sila ready magka-anak sa ngayon. Nais daw muna nilang enjoyin ang kanilang buhay mag-asawa. Dahil kahit pa ilang taon na silang magkasintahan ay ngayon lang sila nagkaroon ng privacy.

“Baby plans? I don’t think so. Not yet. We’re just enjoying our time together, after all these years. Hopefully in the right time,” ito ang pahayag ni Matteo sa press conference. Ngunit ilang buwan ang nakalipas, muli na namang umugong ang bali-balitang nagdadalang-tao na si Sarah.

 

 

Kamakailan lang, nagbahagi si Matteo ng isang cryptic post sa Instagram. Nagbahagi siya ng larawan habang nasa park siya, ngunit ang bumihag sa atensyon ng mga fans ay ang kakaibang caption nito: “I’m thinking of getting a new family SUV.”

Dahil dito, hindi mapigilan ng mga fans mapaisip kung bakit nga ba ito naisip ni Matteo. Ayon sa iba, maaaring nagpapahiwatig na ang aktor na madadagdagan na sila, kaya naman kailangan na ng mas maluwag na sasakyan. Sa ngayon naman ay naka-off na ang comments section sa post ni Matteo.


Comments