Usap Tayo!

Davaoeño may hamon kay Arnold Clavio matapos nitong batikusin si Pangulong Duterte: “Tumakbo ka munang kagawad!”

Isang Davaoeño ang may hamon kay Arnold Clavio, ilang araw matapos banatan ng mamamahayag si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilang araw lang ang nakakaraan ay nakuha ni Clavio ang atensyon ng mga netizens dahil sa kanyang opinyon kay Pangulong Duterte na sinabing wala ng sapat nang sapat na badyet ang gobyerno.

Hindi kumbinsido si Clavio sa sinabi ni Pangulong Duterte at sinabing madaming inutang na pera ang Pilipinas sa mga banko

 

“’Walang pera!’ Narinig na naman natin yan kagabi kay Pangulong Duterte. Wala ng pera, wala pang bakuna, so wala na?” ani Clavio.

“At kung ngang walang pera, bakit pa nagpasa ng p162 B na stimulus package para sa Bayanihan Act 2 ang Kongreso? Bago ito ipasa, inalam muna nila kung may pagkukuhanan nga na pondo ang gobyerno. Wala bang pera o walang diskarte?”  dagdag pa niya.

Banat ng Davaoeño na si Monching Lumantas dapat ay tumakbo daw muna sa kagawad si Clavio para malaman niya kung paano tumatakbo ang gobyerno.

Ayon kay Lumantas, tila hindi daw pinakinggan ng buo ni Clavio ang buong talumpati ni Pangulong Duterte.

“Unang-una, hindi kita tatawaging IGAN dahil sa Instagram post mo na ito, sigurado ako unti-unti na mawawala ang mga kaibIGAN mo (isa na ako) at dadami na ang mga kaAWAY mo! LLOYD na lang bagay pa (as in ‘mongoloid’). Sinira mo ang umaga ko!”

“Pangalawa, BINGI ka ba? Kung di mo narinig ang speech ng Pangulo eh sana inalam mo muna kung ano ang buong sinabi ng Pangulo bago ka humusga! Eto, sinearch ko sa website ng PCOO ang totoong sinabi ng Pangulo. Here is the President…in his own words”

“Alam mo, one thing that I would like also to remind our people lest they begin to misconstrue what I am saying…ang sabi ko, kung walang vaccine…that is why I have been repeating, vaccine, vaccine, vaccine. And kung walang vaccine, pag tumagal ito mauubos na ang pera natin. Mauubos talaga!”

“Pangatlo, sa parehong Instagram post ay idinetalye mo rin ang mga loans and grants na na-approve ng iba’t ibang institution gaya ng World Bank at ADB. Tapos, ang tanong mo? Bakit kailangan pa ng ‘Bayanihan Act 2″?”

 

“Tumakbo ka muna ng ‘kagawad’ para malaman mo ang pamamalakad sa pamahalaan. Para sa kaalaman mo, kailangan ng batas upang maka ‘disburse’ o gumasto ang kahit sinong opisyal ng gobierno. Kahit piso, hindi mo pwede gastusin kung walang batas at yan ang dahilan kung bakit kailangan ng Bayanihan Act 1 2,”

Hindi rin napigilan ng Davaoeño na turuan ang mamamahayag kung paano tumatakbo ang gobyerno at ang pondo nito.

Tinanong din ni Lumantas kung bulag ba si Clavio para sabihin na walang diskarte si Pangulong Duterte.

“Ngayon, eto ang maling akala mo. Kapag na approve ang batas, ang akala mo meron ng pera na handa na ilabas na agaran ng pamahalaan? WALA! totoo ang sinabi ng Pangulo na ‘hangin pa lahat ito, hahanapin pa”. Hindi mo alam na may P90 billion na ‘revenue shortfall’ ang Pilipinas dahil sa lower tax collections sa simula pa ng pandemic. Saan ka kukuha ng ‘cold cash’ para tustusan ang mga pangangailan ng taumbayan? The ‘budget deficit’ would have to be covered by borrowings. Dapat nga magpasalamat ka at tayong lahat dahil meron pa nagpapa utang sa atin…dahil mataas ang ‘credit ratings’ natin sa iba’t ibang banko sa buong mundo.”

“Dito papasok ang huling punto ko sa banat mo laban sa Pangulo…WALANG DISKARTE?”

“Bulag ka ba Lloyd? Mag-aanim na buwan na tayo naka-lockdown, pasalamat ka buhay ka pa dahil kung walang diskarte ang Pangulo, siguro naka ‘ventilator’ kana at naghihingalo. Kung ayuda naman ang paguusapan, alam mo ba 92% na ang aktwal na nakatanggap na ng tulong? Ang nalalabing walong porsiento yan ang nag-iingay ngayon, kagaya mo.”

Bago naman tapusin ni Lumantas ang kanyang post ay pinaalalahan niya si Clavio na hindi siya eksperto sa ekonomiya.

Pinayuhan din ni Lumantas si Clavio na ipagdasal na lamang ang pangulo at makiisa sa ginagawa nito.

“So, finally let me give you a bit of advice Lloyd! You are a broadcaster, not an economist. Wala kang alam sa pagpapatakbo ng gobierno. May naitulong ka na ba sa panahong ito? Kung meron, baka maniniwala pa ako sayo. Kung wala, bigyan mo muna na kahit isang kilong bigas ang mga maralitang taga Tondo kung saan dyan ka lumaki. B*b*!”

 

“Never teach the President on what to do. Instead, be an instrument of unity and peace. Pray that we will all survive because one day you will look back and thank this government for seeing the light of another day”

Umabot ng 867 shares ang post ni Lumantas.


Comments