Usap Tayo!

Kim Atienza naglabas ng tila sama ng loob kay Rep. Toto Mangudadatu: “This man sided with our enemies”

Hindi nakapagpigil ang television host na si Kim Atienza at nailabas nito ang kanyang tila sama ng loob kay Maguindanao Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu.

Laman ng mga pahayagan ngayon ang kasal ni Mangudadatu sa dating Miss Asia Pacific International Sharifa Akeel nitong August 25 na ginanap sa Cotabato City.

Naging kontrobersiyal ang relasyon ni Mangudadatu at Akeel dahil sa inireklamo sila ng dating asawa ng mambabatas sa programang Raffy Tulfo in Action.

 

 

 

Ngunit nakaagaw din ng pansin sa mga netizen ang naging komento ni Kuya Kim sa mambabatas.

Pinaalala ng television host sa mga netizens na sinuportahan ng ABS-CBN si Mangudadatu noong sila’y naging biktima ng pamilya Ampatuan na kanilang mahigpit na kalaban sa politika.

Matatandaan na si Mangudadatu ang target ng mga Ampatuan noon sa kalunos lunos na nangyari sa Maguindanao noong 2009 kung saan nasawi ang 58 na katao kasama na ang miyembro ng media.

Ayon kay Kuya Kim ay sinuportahan nila noon si Mangudadatu ngunit ngayon daw ay hindi ito sinuklian ng mambabatas at bumoto pa para ibasura ang prangkisa ng ABS-CBN.

Kaya naman hindi naiwasan ni Kuya Kim na punahin kung bakit ibinabalita parin ng ABS-CBN ang kasal ng mambabatas.

“ABS CBN was his ally and gave him all the exposure he needed.” ani Kim.

“This man sided with our enemies and voted against our franchise renewal. Now we are even covering his wedding. Had to say that. Back to you guys,” dagdag niya pa.

 

 

Hati ang reaksyon ng mga netizen sa opinyong ito ni Kuya Kim.

Ilan sa mga netizen ay pinuna siya dahil sa tila “panunumbat” nito sa ginagawang trabaho ng media.

May ilang nagsabi na trabaho ng media na ibalita kung ano ang mga nangyayari sa bansa kasama na ang nangyari noong 2009.

“Like we can’t please everyone just respect his decision that’s not his obligation to look back what the network did for him and pay it in return cause that’s the networks’ works responsibility in the first place, they also get something from it kaya walang sumbatan just saying back to you kuya Kim,” sabi ng isang netizen.

“Ganun pala, dapat utang na loob? Idol pa man din kita, pero nakakadismaya yung pagbanggit mnatulong nyo. Hindi pala tulong yun.” 

“Trabaho nyo yun gusto nyo nga yun kase malaking balita kaya nga kayo naging media. Masyado kase kayong namumulitika hindi magiging against yan kung wala kayong mali,” komento pa ng isa.

Nagbigay suporta naman ang mga fans ni Kuya Kim at sinasabi na hindi nila makakalimutan ang ginawa ng mambabatas sa ABS-CBN.

 

Samantala ay nilinaw naman ni Kuya Kim na wala siyang galit sa mambabatas.

“I am just stating a fact” paglilinaw ng host.


Comments