Usap Tayo!

Jinkee Pacquiao, may mensahe para sa mga inggitera matapos itong tawaging “walang kahihiyan” ni Cristy Fermin

Palaban ang mga naging mensahe ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram page matapos siyang makatanggap ng batikos sa kolumnista at radio host na si Cristy Fermin.

Matatandaan na nitong August 24 sa kanyang programa na CristyFerminite ay naging prangka si Cristy sa kanyang opinyon tungkol sa pananamit ni Jinkee.

Ayon kasi kay Cristy ay tila walang kahihiyan si Jinkee dahil nagpapakita pa ito ng kanyang magagarbong kasootan kahit na madaming tao ang naghihirap sa panahong ito.

 

“Kung mayroon siyang pakialam, dapat ‘di niya inilalantad ang kanyang kayamanan sa pamamagitan ng kanyang mga kagamitan. At, wala pong kahihiyan si Jinkee Pacquiao,” ani Fermin.

“Andami-daming nagugutom na pamilya, andaming walang pambara sa lalamunan patungo sa bitkuka, ipagpaparadahan mo lahat ng binibili mo… Wala ka sa timing, hindi ka marunong umunawa sa sitwasyon ng mundo ngayon,” dagdag niya pa.

Tila may pasaring naman sa kanyang Instagram si Jinkee dahil ang kanyang mensahe ay tungkol sa mga taong nangingialam sa buhay ng ibang tao.

“Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours.” ani Jinkee.

“Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade.” dagdag niya pa.

 

 

 

Ilan naman sa mga kaibigan ni Jinkee katulad ni Ruffa Guitierrez ay nagpakita ng suporta sa asawa ng pambansang kamao.

“Don’t mind them. Always be happy!” ani Ruffa.

Wala pang tugon si Fermin sa mensaheng ito ni Jinkee sa kanyang Instagram.

Kilala ang radio host sa kanyang mga kontrobersiyal na pahayag.

 

Matatandaan na naging mainit din ang pangalan ni Fermin dahil sa pakikipagsagutan niya noon sa Philippine Rock and Roll legend na si Pepe Smith na ngayo’y nasa kabilang buhay na.


Comments