Usap Tayo!

Alex Gonzaga, hinablot ang cellphone, snatcher subscriber daw ng aktres sa kanyang vlog

Huli ng mga otoridad ang diumano’y snatcher na hinablot ang cellphone ng artista at vlogger na si Alex Gonzaga.

Sa isang post sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Alex ang diumano’y pagiging biktima niya ng isang snatcher sa kahabaan ng EDSA.

Agad naman daw nahabol ang suspek matapos itong pagtulungan habulin ng publiko.

 

“Got my phone back after mahablot sa edsa!!! Thank you so much sa Guadalupe nuevo police sub-station 7 for helping us!” ani Gonzaga.

“Salamat din talaga sa driver ko Kay kuya Arvi kasi hinabol nya yung mga snatcher at maraming motorista and mga kapwa na nasa kalsada ang nakihabol at tulong sa paghuli ng isa sa mga snatchers,” dagdag pa niya.

Nakausap din ni Alex ang asawa ng isa sa mga suspek at sinabi na ‘subscriber’ daw sila ng aktres sa kanyang vlog na mayroon ng 11.3-M followers.

“Salamat sa asawa ng snatcher ko dahil subscriber daw pala sila!” pagbabahagi ni Alex.

Ibinahagi naman ng GMA News ang itsura ng suspek na ngayo’y nasa kustodiya parin ng mga otoridad.

Hindi naman nakaligtas ang suspek sa mga netizens na tila hindi pinili kung sino ang bibiktimahin niya.

 

“Tibay mo pre hahaha artista pa talaga dinale mo haha buti nga sayo,” ani netizen Justine Reyes.

“Naku kuya alam ko mahirap ang buhay ngayon, pero dpat humingi k nlng kay Alex Gonzaga ng pera kesa pagnakawan mo pa.Im sure bibigyan k nmn yan kase mabait nmn sya.” sabi naman ni Rizza Baliguat.

“Magtrabaho na lamg kc ng marangal di naman sagot sa kahirapan paggawa ng masasama at ilegal na gawain kakain at kakain ka mairaraos at mairaraos ang mgahapong ito magtiwala ka lang lagi sa dios at gumawa ng mabuti magkargador magtinda magcontsruction at kung ano pang nakakayanan ng katawan lage kang safe sa ano mangnoras kapag tama ang iyong ginagawa,” sabi naman ni Regie Zonhim.

Hindi pa malaman kung ano ang susunod na aksyon nila Alex.


Comments