Usap Tayo!

Kisses Delavin, ibinahagi na 1,000 ang baon niya kada araw: “Pero I would spend mga 100 one week na yun”

Trending ngayon sa social media ang panayam ng television host na si Boy Abunda kay Pinoy Big Brother finalist at Miss Universe Philippines candidate na si Kisses Delavin.

Ikinuwento ni Kisses ang ilan sa mga mahahalagang istorya ng kanyang buhay, kasama na dito ang kanyang karanasan habang nag aaral ng kolehiyo.

 

Dahil mula siya sa Masbate ay nagkaroon siya ng “culture shock” ng siya’y mag aral na sa De La Salle University (DLSU) sa Maynila para kumuha ng kursong accountancy.

“When I arrived, I realized that a lot of people didn’t know where Masbate was so a lot of people assumed that ‘yung mga taga Masbate ‘ratatat’ mga ganon..” kwento ni Kisses.

“I had always to explain that no Masbate is a beautiful city, promise trusts me.” dagdag niya pa.

Ibinahagi din niya na pinapahalagahan niya ang pera, ngunit hindi ito umabot sa punto na nagiging kuripot siya.

Ayon sa kanya ay sobrang tipid niya pagdating sa kanyang allowance sa Maynila.

“I’m careful with how much I spend. Here in Manila you can just go to the mall and 1000 is gone.

“So sina mommy and daddy pinapabuanan ako ng P1,000 per day sa La Salle pero I think I would spend mga 100 one week na ‘yon,”

 

“Because I eat at home,” ani Kisses.

Naging viral naman ang pahayag na ito ni Kisses sa social media dahil sa hindi naman lahat ng tao ay nakakapagbaon ng 1,000 kada araw.

“masarap siguro buhay ni kisses noh ang laki nang baon sa school kami no on pag humihingi 2 pesos lang tas sabay sabi pa sa nanay magtipid kayo! saklap,” ani netizen Mary Fe Gastones.

“Sana all 1k a day baon, ako dati dumadayo pa sa (PUP) stop n’ shop para sa unli lugaw na puro sabaw o kaya kina Pangga para sa half rice at ginisang puso ng saging. Minsan Calamares-dos isa sa kanto ng Nagtahan talo-talo na,” sabi naman ni Elanor Sarmiento.

May ilan naman na sinabi na posible naman talaga na gumastos lang ng 100 kada linggo si Kisses dahil malapit lang naman ang kanyang tinitirhan sa eskwelahan niya.

 

“Yung condo kasi niya nasa tapat lang mismo ng DLSU kaya wala siya gastos sa pamasahe tapos sa condo rin daw siya nakain kaya wala rin siya gastos sa pagkain. Candy lang siguro gastos niya kaya 100 lang per week. Haha! Rich kid pero marunong magpahalaga sa pera na pinagpaguran ng mga magulang.” paliwanag ni Mic Black.

 

Sa ngayon ay umabot na ng 297,000 views ang nasabing interview na hinati sa tatlong parte.


Comments