Usap Tayo!

K Brosas ilang beses nag ‘breakdown’ dahil nasayang ang 7-M niya matapos abandonahin ang pinapagawa niyang bahay

Hindi naitago ng singer at host na si K Brosas ang kanyang kalungkutan at pagkadismaya matapos i-abandona ng kanyang kontraktor ang ipinapatayo niyang ‘dream house’.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Brosas ang diumano’y naudlot niyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay matapos iwanan ng kanyang kontraktor ang  proyekto kahit na milyon milyong piso na ang kanyang naibubuhos dito.

 

“Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pagupa ng townhouse at condominium unit. Isipin nyo nga naman, sa ilang taong pagaartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay.

“Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon.. inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay. 

“Maiintidihan nyo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog. Wala e, kelangan nating mangarap.

Kwento pa niya ay sobrang naapektuhan na ang mental health dahil sa nangyari.

“Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari. alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety ko dahil sa sobrang stress.. masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi naka harap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko.”

Dahil dito ay idinaan niya na sa aksyong legal ang kanyang problema.

 

Noong 2019 ay ibinahagi na ni Brosas ang kanyang ipinapatayong bahay sa mga netizens at todo pasasalamat pa nga ito sa kanyang kontraktor.

 

 

 

Wala pang ibinibigay na pahayag ang kontrakot ni Brosas tungkol dito.


Comments