Usap Tayo!

Nagulat si Andrew E na anak pala ni Jeric Raval ang ka kissing scene niya sa kanilang pelikula

Hindi pala niya alam na anak ng batikang aktor si Aj Raval

May mainit na eksena sina Andrew E. at AJ Raval sa bagong pelikula nilang Shoot Shoot. Na idinirehe ni Al Tantay sa Viva kasama rin si Sunshine Guimary.

 

At dahil Viva artist na rin ang tatay ni AJ na si Jeric Raval ay natanong si Andrew kung nagpasintabi siya sa kasabayan niyang aktor noong araw para sa kissing scene nila ng anak.

Aniya, “Kung pasintabi ang tanong hindi ako nagkaroon ng chance and the next thing I knew was meron na akong movie with AJ so, you know everything happened naturally and was never thought of that and kasi hindi ko naman alam na anak niya si AJ coming to the movies.

“Ako naman hindi ko rin alam na there was Shoot! Shoot! (movie) na magbabalik mula sa sa lunggaan 18 years ago biglang maghi-hit.  So, I never knew about that, I didn’t see it coming,” paliwanag ng aktor.

Pagbabalik tanaw pa ng komedyante, “Sabay kaming nag-artista o baka mas nauna siya o hindi 30 years ago. I just can’t remember and we landed on both sides o opposing camps, Viva ako and Octo (Arts) siya ‘di ba?

“Hindi ka nagkaroon ng chance na magkaroon ng camaraderie o ng friendship kasi nasa ibang mother unit or mother studio.

“But then again, sure ball ako na sa first time na na-meet ko siya nandoon pa rin yung pagiging action star niya and I really like it.  He lives to that genuine aura of an action star. And after that wala na, hindi na kami nagkita.”

aya hindi raw talaga nagkaroon ng chance na magpasintabi sa ama ni AJ sa gagawin nilang kissing scene sa pelikula.

 

Comments