Usap Tayo!

Muling namataan si Nadine Lustre kasama ang napapabalitang jowa nito

Christopher Bariou at Nadine Lustre nakitang magkasama ulit

ay bagong pag-ibig na ba si Nadine Lustre?

Ito ang tanong ng netizens matapos mamataan si Nadine Lustre kasama ng isang non-showbiz guy sa Siargao.

Natukoy ng mga tagasubaybay ni Nadine na nagngangalang Christophe Bariou ang French guy. Na madalas niyang kasama sa pamamasyal sa lugar.

Base sa Facebook bio ni Christopher, siya ay founder at managing director ng Maison Bukana, isang boutique resort sa Sitio Lisob sa Siargao Island
Siya ay nagmula sa Saint-Michel-sur-Orge sa France.
 
Sabi nga ng mga netizens, mukhang sa Siargao na pansamantalang naninirahan si Nadine dahil du’n daw nakabase ang bagong karelasyon.
 
 

Ilang beses na din silang nakitang magkasamang namamasyal sa isla. May mga kuha din na nakikitang dalawa lang silang magkasama habang nagse-surfing.

 
 

Kumakain sa mga karinderya doon at pati na din ang pag-angkas ni Nadine sa motor kasama si Christopher.

 

 

Nitong buwan ng Agosto, may iba-ibang araw na nakunan ng litrato at video si Nadine na kasama si Christophe sa tuwing kumakain sila sa mga simpleng eatery.

 

 

May kuha rin silang nagpi-picnic sa isang nipa hut sa tabing-dagat.

 

 

Tila hindi naman ito inililihim ni Nadine dahil sa mga pampublikong lugar sila namamataan ng ibang mga tagaroon.

 

 

Pumapayag din si Nadine magpakuha ng litrato kasama ng mga lokal na nagpapapicture sa kanya.

 

 

At kamakailan nga lamang ay nakuhanan muli ang dalawa ng litrato na magkaholding hands while walking pa.

Hindi man aminin sa publiko ni Nadine ang tunay na relasyon nila ni Christopher pero ayon sa kanilang mga litrato. Paniguradong may relasyon na nga sila.


Comments