Usap Tayo!

Isa na ring driver si Mitoy Yonting sa kanyang business na milktea

Sipag at tiyaga ang naging puhunan noi Mitoy

Hindi itinatanggi ng mang-aawit na si Mitoy Yonting na naging malaki ang epekto ng pandemya sa kanyang karera.

Nakapag-ipon man, ramdam pa rin ni Mitoy ang matinding epekto ng pandemya. Bagay na ibinahagi niya sa vlog ng talent manager at batikang manunulat sa showbiz na si Ogie Diaz.
 
 
“Pero ngayong panahon na ito medyo sanay na lang. Hindi ko na lang binubuwisit ang sarili ko kasi nga biruin mo since March last year, talagang as in ‘yung trabaho pasingit-singit,” ani Mitoy.
 
 

Sa ngayon, pinasok ni Mitoy ang pagbebenta ng milk tea. Ayon sa singer higit sa tulong pinansiyal na nadudulot ng bagong negosyo ay ang sayang hatid nito na mayroon silang napagkakaabalahan ng kanyang misis ngayong panahon ng pandemya.

 

 

Ayon pa kay Mitoy siya mismo ang nagmamaneho ng kanilang milk tea rolling store. Habang ang kanyang misis at pamangkin niya naman ang nagtitimpla ng milk tea.

 

 

Nang tanungin naman ni Ogie kung nahihiya ba si Mitoy na pag-isipan na naghihirap na siya kaya pinasok niya ang pagbebenta ng milk tea.

 

 

 

Sagot nito, “Tanggap ko ‘yon kung ano ang isipin niyo. Oh ‘di kung wala na akong pera, o ‘di ito gumagawa ako nito. Ako masaya ako magkakapera ako rito.”

 
 
 
 
 
“Tanggap ko na ‘yon kung anuman. Minsan hindi mo alam ang timing.”
 
 
Ayon kay Mitoy, sa kabila ng hamon ng pandemya, nagagawa niya pa rin ang ngumiti dahil naniniwala siyang napagdaanan niya noon ang pinakamasakit at pinakamadalim na bahagi ng kanyang buhay.
 
 

Comments