Usap Tayo!

Hiwalang Aljur at Kylie hindi raw third party ang dahilan

Gusto ng mag move on ni Kylie at nilinaw na hindi si Aj ang dahilan ng paghihiwalay nilang mag asawa

Matapos maging hayagan sa publiko ang PDA nina AJ at Aljur habang naglalakad-lakad sa mall at magkahawak-kamay, marami ngayon ang nagtatanong kung ano ang say ni Kylie rito.

 

Usap-usapan ang pag-like ni Kylie sa kumalat na larawan kung saan ‘HHWW’ sina AJ at Aljur.

 

 

Samantala, sa mga screenshots ng pakikipag-usap ni Kylie sa kanyang mga fans sa isang group chat na viral ngayon. Pinasalamatan niya ang mga ito sa pagsuporta nila sa kanya sa gitna ng kanyang pinagdadaanan.

 

 

Sinabi rin ni Kylie sa pakikipag-usap niya sa group chat ng kaniyang mga tagahanga na gusto na niyang mag-move on. At nilinaw rin niyang hindi si AJ ang third party kung bakit sila naghiwalay ni Aljur.

 

 

Saad ni Kylie, “Gusto ko na mag move on. Hehehe. Pero thank you sa love and support. Naappreciate ko kayong lahat sobra”

 

 

Matatandaang nauna na ring sinabi ni Kylie na walang isyu kung makikipagdate si Aljur sa iba dahil April pa sila naghiwalay.

 

 

At nakapag-usap na sila kaugnay sa mga bagay-bagay pagdating sa kanilang posibleng pakikipagrelasyon sa iba.

 

 

“There is no issue. We separated April pa, and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this. I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left,” paglilinaw pa ng aktres.

 

 

Bukod pa dito, pinasalamatan rin ni Kylie ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya. Ang tanging priority niya lamang sa ngayon ay ang kanyang mga anak.

 

Comments