Usap Tayo!

Tom Rodrigues at Carla Abella nag-isang dibdib na!

Sa simbahan ang tuloy ng sweet celebrity couple

Sabado October 23, ganap na 3:15 ng hapon nagsimula ang misa para sa pag-iisang dibdib nina Tom at Carla.

 
Idinaos ang kasal sa San Juan Nepomuceno Church, San Juan, Batangas. Dinaluhan iyon ng pamilya at ilang malalapit na kaibigan ng Kapuso couple.
 
Si Bishop Teodoro Bacani ang officiating priest sa kanilang kasal.
 
Base sa mga litrato na viral ngayon online, kabilang sa Groomsmen sina JC Tiuseco at Rafael Rosell na kaibigan at kasama ni Tom sa manager niyang si Popoy.
 

Ang ilan naman sa mga ninong at ninang ng bagong kasal na nakalagay sa kanilang invitation ay sina Attty. Felipe Gozon, Mr. Gilberto Duavit Jr., Mr. Ben Chan, Mr, Arnold Clavio, Mr. Popoy Caritativo, Mr, William Portacio, Atty. Joji Alonzo, Dra. Vicki Belo, Mrs. Lilybeth Gomez-Rasonable, Mrs. Redgie Acuna-Magno, Mrs. Josette Campo-Atayde, at Mrs. Carmela Corro Tiangco-Cornejo.

 
 
Napakagandang bride ni Carla sa mga litratong ibinahagi ng photographer na si Pat Dy.
 
 
2014 nang magsimula ang realsyon nina Carla at Tom at nauwi na nga sa kasalan after seven years.

 

Congrats and best wishes!

 

Comments