Usap Tayo!

Nagsisi na ang aktor na si Aljur Abrenica hinggil sa kanyang mga post sa ex-wife

"Talagang minahal ko ang babaeng iyon" ayon kay Aljur

Noong October 19, lumikha ng ingay sa social media ang aktor nang bigla siyang mag post ng “breaking silence” patungkol sa hiwalayan nilang mag-asawa.

 
Sa nasabing Facebook post, parang lumalabas na si Kylie ang dapat na may aminin kung bakit sila naghiwalay. Hinamon pa nito na sabihin na daw sa publiko.
 
Nagmukhang masama kasi si Aljur noong una matapos lumutang ang usapin na nalilink siya kay AJ Raval. Ang naging dating, ang anak ni Jeric Raval ang dahilan at third party nilang dalawa.
 
 
Makalipas ang ilang araw, nagsisisi na daw ang aktor sa nagawa niya.
 
 

Sa naging interview ni Aljur para sa kanyang newest project na Manipula, hindi na naiwasang masama sa usapin ang kanilang controversial break up.

 

Comments