Usap Tayo!

Ginawang milagro ni Maja sa pool, may inamin

Habang naka break sa taping nagkatuwaan ang magkatambal ba sina Maja at Empoy

Sa YouTube channel ni Empoy, nagbahagi siya ng vlog kung saan nakasama niya si Maja na co-star niya sa teleserye ng TV5 na Niña Niño.

Habang naka break sa taping, gumawa ng sarili nilang version ng Never Have I Ever ang dalawa.
 
Dito, nagkalabasan ng kung anu-anong kababalaghan sa kanilang buhay ang dalawa.
Una nang umamin ang komedyante na natae daw siya sa kanyang pants noong bata pa siya.
 
 
 
“I have, nu’ng high school pero alam mong nakasilip palang. Hindi pa bumuga,” paiksing kwento ni Empoy.
 
Habang si Maja naman, naihi din daw sa kama noong bata pa siya.
 
Parehas naman sila na wala pa daw “MOMOL” experience sa sinehan. Pero kwento ng aktres, patago pala siyang sinundan ng kanyang ina nung high school siya nang magpaalam siyang manonood ng sine kasama ang mga kaklase.
 
Nabuking din si Empoy na may gusto pala siya sa Tabing Ilog star na si Kaye Abad.
 

Pero ang pinaka nakakalokang pag amin ng aktres ay nautot na daw ito sa swimming pool.

 

Comments