Usap Tayo!

Patutsada ni Kylie Padilla kay Manay Lolit sinagot na

Sinagot na ng mamahayag ang patutsada sa kanya

Kamakailan nga lamang, sa kainitan ng pahayag ni Aljur Abrenica na si Kylie mismo ang nakasira ng kanilang pamilya. Nagbigay ng kanyang pahayag ukol dito si Cristy Fermin.

 

Kamakailan nga lamang, sa kainitan ng pahayag ni Aljur Abrenica na si Kylie mismo ang nakasira ng kanilang pamilya. Nagbigay ng kanyang pahayag ukol dito si Cristy Fermin.

 
May idea raw si Cristy mula sa source kung sino ang “hinihinalang lalaki” na tinutukoy ni Aljur na may ugnayan umano kay Kylie.
 
 
 

Nang makarating ito sa aktres ay agad niyang sinagot ag pahayag na ito ng batikang kolumnista.

Aniya, “Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo. Nagtitimpi ako para sa mga anak ko.”

 
 
Pagkatapos nito ay pinayuhan ni Kylie si Cristy na tignan muna ang mga sarili nilang pagkakamali bago sila maki alam o mang husga ng ibang tao.
 
 

“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na,” dugtong pa ni Kylie.

 
 

Samantala, sa episode ng Radio at digital show ni Cristy ay sinagot niya din agad ang aktres.

Sa simula ay pinaalala nito kung saan siya nagmumula at ipinaliwanag nito kung gaano niya kamahal ang ama ni Kylie na si Robin Padilla.

 
 

Ayon pa kay Cristy hanggang kanunu-nunuan ni Kylie ay malaki ang kanyang respeto.

Ngunit ayon din sa kolumnista ay kahit kailan man ay hindi niya binabawi ang mga nasulat o nasabi na niya.

 
 

Comments