Usap Tayo!

Heart Evangelista sinabing handa niyang patawarin ang mister na si Chiz Escudero kahit lokohin pa siya nito

Kahit anong kalokohan pa man ang gawin, Heart Evangelista handang patawarin ang asawang si Chiz Escudero.

Nag-guest kamakailan ang mag-asawa sa vlog ng kilalang TV host at broadcast journalist na si Karen Davila.

Napag-usapan ang pangagaliwa sa nasabing vlog. Ayon kay Chiz, dealbreaker daw para sa kanya ang cheating. Samantalang si Heart naman ay handa raw patawarin si Chiz kung saka-sakaling mahuhuli niya itong nangangaliwa.

 

Ayon sa aktres at fashion icon, hindi siya papayag na tuluyang mawasak ang relasyon nila ng asawa nang dahil lang sa isang babae.

 

“Because I love him. I don’t love him as a lover. I love him also as a friend,” ani Heart. “Ibig sabihin like what… ‘So you, guys, are gonna have your happy ending? No. I’m gonna stay with you until the end.’”

 

Natanong naman ang gobernador ng Sorsogon kung nagseselos pa rin ba siya sa mga dating boyfriend ng asawa, “I don’t think so.”

 

Ngunit tila hindi kumbinsido rito si Heart dahil nakita raw niya ang YouTube history ni Chiz. Nabuking daw niya sa mga recommended videos sa account ng asawa ay puro tungkol sa kanyang mga ex-boyfriend.

 

At nang i-check nga niya, confirmed! Nanonood nga si Chiz ng mga video sa YouTube tungkol sa mga past relationships niya. Depensa naman agad ng politiko, “The motivation is not jealousy, it’s curiosity.”

 

Ayon naman kay Chiz, ‘yun ay dahil nagkalayo sila ng tatlong buwan ni Heart.

 

Matatandaang nag-lock in taping si Heart para sa I Left My Heart in Sorsogon bago lumipad ng U.S. para umattend sa isang event ng Vogue 100, makipag-meet sa Bling Empire star na si Kane Lim, at gumawa ng art collaboration kasama ang Incubus vocalist na si Brandon Boyd.


Comments