Usap Tayo!

Away ni John Regala at Philip Salvador lumutang muli: “Itigil mo na yang mga plano mo”

Ilang buwan na ang nakakaraan ay binatikos ng aktor na si John Regala ang kanyang kasamahan sa showbiz na si Philip Salvador sa hindi malamang kadahilanan.

Dahil naging usap usapan si Regala dahil sa kanyang kasalukuyang kondisyon ay naungkat nanaman ang nasabing isyu na hanggang ngayon ay palaisipan parin sa mga tao.

Sa nasabing video, sinabi ni Regala na nagtitimpi na lamang siya kay Salvador at binalaan din nito si Ipe na hindi siya magtatagumpay sa mga plano niya.

“Ipe, hindi ka magtatagumpay. Hindi ko hahayaang magtagumpay ka. Kaya ito, huling paalala ko sayo, na may kasamang pakiusap. Itigil mo na yang mga plano mo,” ani ni Regala.

“Ang mga plano mo sakin, na sirain ng sirain ang aking pagkatao, pinagbintangan ako ng kung ano ano. Wag, dahil tinitiyak ko sayo Ipe isasama kita sa gusto mong pagdalhan sakin. Tandaan mo yan, pero titiyakin ko sayo na mauuna ka dun,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Regala na matagal na siyang nagbago.

Matatandaan na nalulong sa masamang bisyo si Regala at pumunta sa rehabilitation center para magpagamot.

“Nagbago na ko Ipe, binago na ng Diyos ang puso ko at ayoko nang bumalik dun. Sawa na ko,” 

 

Makikita si Regala na hindi pa siya masyadong payat noong ini-record niya ang mensahe niya kay Salvador.

Hindi ikinuwento ni Regala ang eksaktong detalye tungkol sa away nila ni Salvador, ngunit may mga netizens na ang suspetsa ay maaring konektado ito sa trabaho ng aktor.

 

Tila matagal na ang alitan sa pagitan ni Salvador at Regala dahil napag usapan na ito noon palang sa isang interview ng Pep.ph noong 2012.

Sa nasabing interview, sinabi ni Salvador na wala siyang problema na maka trabaho si Regala kahit na napabalitang may alitan sila noon.

Magkasama ang dalawang aktor sa pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story kung saan nanalo ng best supporting actor si Regala.

“Oo. Hindi ba magkasama naman kami sa Asiong Salonga? “A, wala iyon [isyu], hindi pinapatulan yung ganun. Walang isyu sa amin ni John. John has been a younger brother to me, I love him, I respect him. He’s a very good actor. And I’m happy that he’s back. I’m really happy that he’s back. And producers should give him more projects because he is one of our greatest actors here,” saad ni Salvador noong 2012.

 

Wala namang reaksyon si Salvador sa pinakabagong mensahe ni Regala sa kanya.

Samantala, may ilang artista na itinigil na ang suporta kay Regala dahil sa hindi nito diumano pag sunod sa payo ng kanyang mga doktor at piniling mag self-medication.


Comments