Usap Tayo!

Angel Locsin ibinahagi na sampu sa miyembro ng kanilang pamilya nagpositibo din sa C0’VID

Matapos ang balitang nagpositibo sa C0’VID ang kanyang ama, ibinahagi din ni Angel Locsin. Na 10 sa miyembro ng kanilang pamilya ay positibo din.

Dinagsa ng dasal ang post ni Angel Locsin tungkol sa kanyang 94-year-old father na si Angelo Colmenares. Fully vaccinated na ang ama ni Angel.

Last Sunday nga nang sabihin ni Angel na feeling helpless siya dahil sa pagkakaroon ng C0’VID ng ama niyang isang bulag.

Sa video na ipinost ni Angel sa kanyang Instagram story, maririnig ang boses ng aktres na nagsabing, “Bye daddy. Kuya (driver) ingat kayo ha susunod po kami, susunod po kami.”

Iisa naman ang mensahe ng mga nagpaabot ng suporta sa pamilya ni Angel kabilang na ang mga kaibigan at katrabaho sa showbiz, patuloy daw nilang ipagdarasal ang paggaling ng daddy ni Angel.

Samantala, kagabi, September 13, ay nagpasalamat si Angel sa mga taong nagdadasal para sa kanyang ama.

Pero hindi lang ang ama ni Angel ang nagka-C0’VID.

Sa kanyang IG stories ay sinabi nitong 10 pang miyembro ng pamilya nila ang nahawa.


Comments