Usap Tayo!

Lolit Solis at Cristy Fermin muling pinag-usapan ang isyu tungkol kina Paolo Contis at Yen Santos

May prangkang pahayag na naman na binitawan ang mga batikang kolumnista na sina Lolit Solis at Cristy Fermin.

Tungkol pa rin sa isyung kinakasangkutan nina Yen Santos at Paolo Contis.

Sa latest episode ng online show nila na “Take It …. Per Minute, Me Ganun!” naging topic muli nina Manay Lolit at Cristy Fermin ang tungkol sa “Baguio”

Unang naitanong ni Mr. Fu kung nakausap na ba ni Lolit si Paolo. Sagot naman ni Manay “Hay naku tawagan na lang niya si Yen Santos”

Pagbabahagi pa ni Lolit hindi umano sumasagot si Paolo sa mga tawag niya ngayon. Umiiwas daw ito at laging sinasabing may ginagawa siya.

Sinundan naman ito ni Mr. Fu ng isa pang tanong na sa tingin ni Lolit bakit daw si Yen ang sinama ni Paolo sa Baguio at hindi siya.

Aniya, ito ang nagpataas ng kilay niya nang mabasa ang pahayag ni Paolo. “Doon lang talaga tumaas ang kilay ko, why Yen Santos, mother figure? BFF? Why her?”

Dagdag pa nito, “Wala ba siyang kaibigang lalaki? Hindi ba kadalasan, ang gusto mong ka-jamming ay kapwa mo lalaki dahil ito ang higit na mas makakaunawa sa iyo dahil pareho kayo ng gender?”

Sinabi din nito na naniniwala siya na “super friend” daw ni Paolo si Yen.

Bigla namang sumingit si Cristy at deretsahang tinanong si Lolit na naniniwala ba siya na noong ginagawa nina Paolo at Yen ang “A Faraway Land”. Nagkaroon daw ba ng pag-iisa ang dalawang artista.

Sagot naman ni Lolit ay depende daw , dahil malungkot at malamig daw sa Faroe Islands.

Tempting din daw ang mga eksena sa pelikula kaya daw siguro naging “f*ck*ng friend” ang dalawa.

Kaya malamang daw itinuloy na lang nila Yen at Paolo ang kaganapan sa Baguio.

 


Comments