Usap Tayo!

Zaijan Jaranilla gagampanan ang pagiging Ding sa DARNA

Pinal na ang balita na si Zaijan na ang gaganap na Ding sa muling pagluipad ni Darna

Makakasama ni Jane de Leon ang award-winning young actor na si Zaijian Jaranilla. Sa inaabangang Darna: The TV Series ng ABS-CBN na ididirek ni Chito S. Roño.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng live cast reveal na ginawa pa sa ABS-CBN Soundstage sa San Jose Del Monte, Bulacan. Na sinundan din ng story confe­rence para sa bagong TV adaptation na magsisimula nang mag-taping sa susunod na buwan.
 
 
 
 
Si Zaijian ang magbibigay-buhay sa papel ni Ding, ang nakababatang kapatid at sidekick ni Darna/ Narda (Jane) na may hawak ng ‘bigating bato.’
 
 
 
 

“Mahilig siya sa technology at computer games,” matipid na paglalarawan ni Zaijian sa kanyang karakter. Siguradong ito ang gagamiting “powers” ni Ding sa pagtulong kay Darna.

 

 

 

Ganap na ngang binata ang dating child star na si Zaijian Jaranilla. Na unang nakilala ng publiko bilang si Santino.\

 

 

12 Years na nga ang nakakalipas ng maipalabas ang naturang teleserye. Ngunit tila nakatatak na nga sa marami ang karakter na ito ni Zaijan sa lahat.

 

 

Sa kasalukuyan ay 19 years old na nga si Zaijan Jaranilla at kamakailan lang nga ay nag trending ang kaniyang glow up dahil na rin sa paglaki niya bilang isang gwapong lalaki na kinakikiligan na ngayon ng marami.

 

Sa mga nakalipas niyang panyaman ay inamin din ni Zaijan na mayroon na din siyang non-showbiz girlfriend. Dalawang taon na ang kanilang relasyon.

 
 

Comments