Usap Tayo!

Pangingisda ang tanging hanap buhay at nakapagtapos ang kanyang mga anak

Nagtapos na Cumlaude ang mga anak ng isang dakilang manigingisda

 

Karangalan ng magulang kung ituring ang mga anak. At kahit ano man ang maging sitwasyon ng bawat pamilya, ang magulang ang magsusumikap upang tugunan ang pangangailangan nito.

 

At dala rin ng kahirapan ng buhay ay maraming mga tao ang nagsusumikap sa buhay. Para makaahon at magkaroon ng maganda at mas maayos na buhay ang pamilya.

 

At ang kwentong ito ng isang ama na mangingisda ay nagbigay inspirasyon ngayon sa marami.

Minsan nangarap na maging sundalo si Ramil Montalbo ng Ilo-Ilo City. Subalit sa kahirapan ng buhay ay hindi nya natupad ang pangarap.

 

Kaya naman nagsumikap sya hindi sa sarili kundi para sa mga anak niya. Napagtapos nya ang mga ito ng kolehiyo bilang Cum Laude.

 
 
Hinangaan ng marami si Mang Ramil at nakapagbigay ng inspirasyon sa mga tao. Pambihira at hindi naging madali ang pinagdaan ni Mang Ramil upang makamit ang tagumpay ng mga anak.
 

Hindi lamang nga isa o dalawa kundi tatlong Cum Laude ang mga anak nito ng makapagtapos sa kolehiyo. Para nga namang ngumiti ang langit at dininig ng Diyos ang panalangin at hirap ni Mang Ramil.

 
Sinikap ni Mang Ramil na igapang ang pag-aaral ng kanyang mga anak hanggang sa kolehiyo at nagbunga naman ito.
 
 
 

Lubos ang kagalakan at proud na proud si Mang Ramil sa kinahinatnan ng kanyang walang humpay na pangingisda kahit pa abutan siya ng masamang panahon sa laot.

 
 
 

Higit ano pa man ay masasabi na isang ulirang ama si Mang Ramil. At ang lahat ng hirap at pagod nya ay nasuklian naman ito ng napakalaking tagumpay. Sa ipinakitang pagsusumikap din ng mga anak niya ay tiyak nito ang napakagandang kinabukasan para sa mga ito.

 

Comments