Usap Tayo!

Iphone13 ang binigay ni Ivana sa kanyang ina at dalawang kapatid matapos ang challenge na pinagdaanan

Talagang napakagenerous ng aktres lalo na sa pamilya

Makikita sa kanyang YouTube videos ang iba’t-ibang vlogs ng aktres kung saan namigay siya ng tulong at malalaking halaga. Kaya hindi nakakapagtaka kung gagastos din siya sa kanyang sariling pamilya.

Sa kanyang latest vlog, naisip ni Ivana na isurpresa ang kanyang nanay at mga kapatid. Pero noong una, walang alam ang kanyang mga kapatid sa balak niyang gawing content.

Pasimpleng kinuha ni Ivana ang mga cellphone nina Hash at Mona maging ang cellphone ng kanyang mama. Inuna niya na si Mona na nagbabasa ng libro sa kanilang sala.

May hawak na itim na bag ang actress vlogger at kunyareng may magic trick na gagawin. Pinalagay niya kay Mona ang cellphone sa bag at tsaka tumakbo pataas sa kanyang kwarto.

 
 

Dito na nalaman ni Mona na itinago ng kanyang ate ang kanyang cellphone. Kinuha niya sunod ang kay Hash at huli sa kanilang ina na tila chilling pa sa pool side.

 

Sinabi na ni Ivana sa kanila na maglalaro sila ng No Phone Challenge. Lahat sila ay bawal gumamit ng phone sa loob ng 24 hours. Naging paraan na din ito ng kanilang family bonding.

 
 

Kinaumagahan, dito na sinurpresa ni Ivana ang tatlo ng brand new iPhone 13. Akala nila ay ibabalik lang ang kanilang phone pero pagkuha nila sa bag ay may bagong iPhone na sila.

 

Bukod sa kanila, mamimigay din daw si Ivana ng isang iPhone 13 pink para sa kanyang lucky follower.

 
 
 

Comments